Patuloy ang pakikipag-uganayan ng Department of Foreign Affairs sa iba’t ibang bansa upang tuluyan nang makauwi sa Pilipinas ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na na-stranded sa iba’t ibang panig ng mundo.
Tulad na lamang ng Philippine Embassy sa Hong Kong na pinangasiwaan ang special chartered flights para sa 167 Pinoy na stranded sa Thailand at nakauwi rin kahapon sakay ng PH AirAsia flight.
Mayroon ding 69 Pinoy seaqferers mula SIngapore na ligtas na nakalapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 kahapon. 300 naman ang mula sa Qatar.
Nadagdagan pa ito ng 167 mula Thailand na lulan ng soecial commercial flight na inayoos ng Thai-Filipino-owned Bangkok Holiday Vista Co.
Sa kabuuan ay mayroong 890 OFWS ang dumating sa NAIA terminal 1 kahapon at lahat sila ay kakailanganing sumailalim sa mandatory COVID-19 swab testing para siguraduhin na hindi sila carrier ng deadly virus.
Bago ito ay bahagyang naantala ng ilang oras ang pagbaba ng mga OFWs sa kani-kanilang sakay na eroplano dahil sa sunod-sunod na pagdating ng mga repatriates.
Para mapanatili ang social distancing sa paliparan ay hindi muna sila pinayagan na bumaba ng mga eroplano. Ilan sa mga pasahero ay dinala sa isang holdsailalim sa swab test.
nakapagtala ang DFA ng 59 panibagong kaso ng COVID-19 sa mga OFWS dahilan upang pumalo na 8,974 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na tinamaan ng deadly virus sa labas ng bansa.
15 naman ang naidagdag sa mga OFW na nasawi mula Asia, Pacific at Middle East/Africa. sa ngayon ay 633 na ang deat toll ng mga OFW.s.
Samantala. kinumpirma ng DFA na 177 bansa na mula the Americas, Asia, Europe, Middle East at Middle Africa ang ang tinanggal ang kanilang inbound border restrictions.
Bawat pasahero ay kakailanganin mynang sumailalim sa mga umiiral na protocols ng mga bansang nakapaloob sa mga nabanggit na kontinente.
Habang 68 na bansa naman ang hindi pa rin pumapayag na may makapasok sa kanilang borders tulad ng Cuba, Haiti, Palau, Tinor Leste, at France.
May ibang bansa naman na nagbibigay ng exemptions sa mga Pilipino na citizen ng kanilang mga destination country pati na rin sa mga returning residents.