CAUAYAN CITY – Isang overseas Filipino worker na mula sa Riyadh, Saudi Arabia ang panibagong COVID 19 positive patient sa Santiago City.

Ang OFW ay isang 24 anyos na residente ng Balintocatoc, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang nasabing OFW ay dumating sa Santiago City noong June 15, 2020

Sumunod anya sa protocol ang OFW at dumiretso sa quarantine facility at isinailalim sa swab test noong June 16, 2020 at lumabas na positibo sa virus.

Dinala na sa pamunuan ng Southern Isabela Medical Center ang nasabing pasyente.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Llester Guzman, Health Education and Promotion Officer ng DOH region 2, nasa mabuti nang kalagayan ang pasyenteng lalaki at nanatiling asymptomatic.