March 21, 2021 sa Barangay Capataan, San Carlos City, Pangasinan.- Pinangunahan ni Marlon De Guzman na isang OFW na naka-base sa Hong Kong at residente ng nasabing lugar ang Feeding Program and Health Care Services.
Ang nasabing kawang-gawa ay ginawa kasama ng mga BHW (Barangay Health Workers) sa Barangay at namahagi sila ng foodpacks at Vitamin C sa humigit kumulang 650 na bata.
Hindi na rin tinawag ang mga magulang at mga bata dahil na rin sa pag iwas sa mass gatherings at mga BHW’s na ang nagbigay sa kani-kanilang bahay-bahay.
Magugunita na si De Guzman ay walang sawang tumutulong sa kanyang mga ka-barangay mula noon at sa kasalukuyan at nagagawa nya ito kahit sya ay nasa ibang bansa pa,
sa tulong narin ng kanyang mga maasahang kaibigan na kasama nya sa ibayong dagat lalo na pagdating sa pinansyal na pag-gawa.
Layon lamang ni Mr. De Guzman kundi makatulong lamang sa kapwa tao dahil sya ay naniniwala na isa sa pagpapakita ng pagtanaw ng utang na loob sa ating Panginoon na nagbigay sa atin ng lahat ng bagay dito sa lupa ay ang pagtulong sa kapwa tao, ito man ay malaki o maliit sa paningin ng iba.
Muli naman nyang pinadiinan at inanyayahan ang iba pa niyang mga kaibigan na kung sila ay may pagkakataon ay gawin ang mga bagay sa pagtulong at iniwan ang mga talata sa Biblia sa II Corinto 9:7 na ” Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya”.