-- Advertisements --
image 141

Nakipag-partner ang Office of the Vice President (OVP) sa 50 ospital at dialysis centers para palawigin pa ang hatid na medical assistance program.

Bunsod nito, umakyat na sa 84 ang mga kaagapay na public at private hospitals at dialysis centers ng OVP bilang bahagi ng layunin nitong maserbisyuhan ang ating mga kababayan ng medical at burial assistance.

Ang naturang mga program ang banner social services ng OVP na nais ni Vice President Sara Duterte na mapalawig ang satellite offices nito para mas maging accessible sa ating mga kababayan.

Maaari na ring mag-avail ng nasabing mga serbisyo ang in-patient at out-patient beneficiaries sa pamamagitan ng 7 satellite offices sa Bacolod, Surigao del Sur, Davao, tacloban, Dagupan at Zamboanga.

Naidagdag din sa listahan ng partner hospitals ng OVP ang Jose Reyes Memorial Medical Center, National Children’s Hospital, Philippine Children’s Medical Center at Philippine Orthopedic Center.