Nag-landfall sa ikalimang beses ang tropical depression “Ofel”.
Ayon sa PAGASA, dakong alas-11:00 nitong Miyerkules ng gabi ng mag-landfall ito ng San Juan, Batangas.
May taglay pa ring lakas ng hangin ng 45 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 55kph si “Ofel.”
Naunang nag-landfall ito sa Can-avid, Eastern Samar ng alas-2:30 umaga ng Miyerkules, pangalawang nag-land-fall 6:00 ng umaga sa Matnog, Sorsogon at tanghali ng Miyerkules ng pangatlong beses na mag-landfall sa Burias Island at ikaapat na nag-landfall sa Torrijos, Marinduque ng alas-7:45 ng gabi.
Inaasahan na tuluyang makakalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo sa araw ng Biyernes, Oktubre16.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 ang mga lugar ng Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Rizal, Metro Manila, Bataan, Cavite, Laguna, Calamian Island at Batangas.