-- Advertisements --

Suportado ng OCTA Research ang pagpababa ng alert level ng National Capital Region pagdating ng Nobyembre 15.

Sinabi ni OCTA Research fellow Guido David na maaari ng ilagay ang NCR sa Alert level 2 dahil sa patuloy na bumababa ang hawaan ng COVID-19.

Nagbabala rin ito na dapat ay dahan-dahanin ang pagbaba at patuloy pa rin na ipatupad ang minimum health protocols.

Sa kasalukuyan rin ay nasa 30 percent lamang ang hospital utilization sa NCR at ang intensive care unit utilization ay nasa 39 percent lamang.

Malaking bagay din ang pagtaas ng bilang ng mga naturukan na ng mga COVID-19 vaccine.