-- Advertisements --

Inirekomenda ng Office of Civil Defense (OCD) ang pagtugis sa mga iresponsableng pagmimina matapos ang naganap na landslide sa Davao de Oro na ikinasawi ng pitong katao.

Sinabi ni OCD Administrator Ariel Nepomuceno na mahalaga na magsagawa ng inspeksyon ang mga ahensiya ng gobyerno para matiyak na hindi lumalabag ang mga mining companies.

Nagkakaroon kasi ng masamang epekto sa tao at kalikasan ang iresponsableng pagmimina.

Ang nasabing pagbaha sa maraming bahagi ng bansa ay siyang pangunahing problema pa rin ng gobyerno.