Ipinaalala ng Department of Justice sa mga eskwlehan ang kanilang responsibilidad o obligasyon pangalagaan ang mga estudyante.
Ayon kay Justice Secretary Atty. Fredderick Vida, hindi dapat makalimutan ng mga institusyon o paaralan ang tungkulin nito lalo na sa mga estudyanteng ipinagkakatiwala ng mga magulang.
May tinatawag aniya raw kasing ‘substitute parental authority’ sa oras nasa loob ng eskwelahan ang mag-aaral na siya namang nagiging responsibilidad ng naturang unibersidad.
Giit ng kalihim na saklaw ng obligasyong ito mapa-curricular o miski non-curricilar activities man ng mag-aaral sa kanilang pinapasukan paaralan.
Kung kaya’t ibinahagi ni Justice Secretary Vida na kanila nang sinisilip o iniimbestigahan ang pananagutan ng unibersidad sa pagkamatay nina Rene Baterbonia at Divin Adili, kapwa manlalaro ng Ateneo Blue Eagles basketball team.
Susuriin aniya rito ng mga imbestigador hindi lamang ang pananagutan ng coach ng koponan kundi kasama maging ang unibersidad at iba pang responsable.
Pati ang pagpili sa lugar kung saaan isinagawa ang aktibidad nahantong sa pagkamatay ng dalawang atleta ay kabilang din sa mga inimbestigahan para matukoy kung nagkaroon ng kapabayaan at pagkukulang.
Gayunpaman, titiyakin umano ng Department of Justice na kanilang hindi pababayaan ang kaso at seseguraduhin nakabase ang imbestigasyon sa mga nakakalap na ebidensya.















