-- Advertisements --

Walang nakikitang problema ang National Water Resources Board (NWRB) na magdagdag ng alokasyon ng tubig sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Ayon kay NWRB executive director Sevillo David na lumapit sa kanilang ang MWSS at mga concessionaires para masolusyunan ang problema ng kakulangan ng suplay ng tubig sa Kamaynilaan.

Mayroon 52 cubic meters na dagdag mula sa dating 48 cubic meters na normal na alokasyon ang inilaan nila.

Sa nasabing alokasyon ay may malaking tulong ito sa mga magsasaka ganun din ay makakapag-stabilize na ito ng water source.