Babawasan ng National Water Resources Board ang alokasyon na ibinibigay ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga concessionaires nito na Maynilad at Manila Water simula sa Mayo 16 hanggang mapalitan ng ulan ang mga tubig sa Angat Dam.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources Usec. Carlos Primo David na siyang namumuno ng NWRB, sa kanilang pagtaya na pagdating ng Mayo 20 o 21 ay aabutin na ng minimum operating level na 180 meter ang Angat Dam.
Mahalaga na palawigin ang water suplay sa Angat dahil sa maaring maantala ang pagdating ng tag-ulan o ang paglipat ng El Nino mula sa La Nina.
Pagtitiyak naman ng opisyal na walang magaganap na anumang water interruption kahit binawasan ang alokasyon ng 49 cubic meters per seconds.