-- Advertisements --

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Develeopment Authority (MMDA) na pansamantalang isususpindi ang number coding scheme sa Mayo 12, mismong araw ng eleksyon.

Sa isang abiso na inilbasa ng ahensya, pinayuhan ng MMDA ang publiko na planuhin nang maigi ang kanilang mga magiging pagbiyahe sa Martes dahil sa itinakdang kanselasyon ng panuntunan na ito.

Inaasahan kasi na magiging mabigat anga mga daloy ng trapiko sa mga lansangan sa araw ng halalan kaya naman payo ng MMDA, mas mainam na magkaroon ng maayos na pagpaplano at panatilihin din ang ligtas na pagmamaneho sa mga lansangan.

Huwag din aniya kalimutan na kahit walang number coding scheme ay patuloy na umiiral ang mga batas trapiko kaya naman hanggat maaari ay inabisuhan rin ng ahensya na manatiling sumunod sa mga road regulations upang maiwasan ang mga aksidente.

Samantala, ang abiso ay alinsunod naman sa Proclamation no. 878 kung saan ang araw na ito ay itinakda bilang isang special non-working holiday.