-- Advertisements --
Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Martes na suspendido ang number coding scheme sa Biyernes, Hunyo 6, 2025, bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Ayon sa MMDA, pansamantalang ihihinto ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) sa naturang petsa, alinsunod sa Proclamation No. 911 na nagtatakda sa Hunyo 6 bilang regular holiday.
Nagbigay din ng paalala ang ahensya sa publiko na planuhing mabuti ang mga biyahe, sumunod sa batas-trapiko, at mag-ingat sa pagmamaneho.