-- Advertisements --

Maraming basketball experts ang naniniwala na makakayanan ng Denver Nuggets ang Los Angeles Lakers sa paghaharap nila sa Western Conference Finals sa Sabado ng umaga oras sa Pilipinas.

Pinatunayan umano ng Nuggets sa pamamagitan nina Nikola Jokic at Jamal Murray ang kanilang kakayahan ng magtala sila ng record sa kasaysayan ng NBA ng makabangon sila sa 3-1 deficit ng talunin ang Los Angeles Clipper sa Western Conference semifinals.

Sa pagtataya ng mga basketball experts na kapag pinabayaan ng Lakers ang dalawang manlalaro ay baka masilat pa ang pangarap nilang makapasok sa finals.

Sang-ayon din ang mga ito sa naging pahayag ni Lakers coach Frank Vogel na gamitin nila ang mga malalaking manlalaro na sina JaVale McGee at Dwight Howard bilang pantapat sa Nuggets.

Itinuturing kasi na kakaibang manalalaro si Jokic gaya ng mga naipakita nito noong laro nila sa Clippers.

Magugunitang inihayag ng Lakers coach na bibigyan niya ng maraming oras na maglaro ang mga malalaking players nito para mabantayan ang mga mabibilis at batang manlalaro ng Nuggets.