-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY- Iniwan na katulad ng isang hayop ang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi ng Barangay Banglay,Lagonglong,Misamis Oriental.

Ito ang paglalarawan ni 1Lt Jefferson Mariano,civil military operations officer ng 58th IB,Philippine Army nang madatnan nila ang walang buhay na NPA rebel.

Inihayag sa Bombo Radyo ni Mariano na maliban sa bangkay ng NPA member,narekober rin ang anim na high powered firearms mula sa encounter site.

Nananawagan na rin ang militar sa mga kaanak ng napatay na rebelde na bibisita sa barangay hall upang kunin ito at mabigyan ng maayos na burol at paglibing.