BUTUAN CITY – Nadagdagan pa ang naitalang napatay na rebelding New People’s Army o NPA matapos ang serye ng sagupaan sa bukiring bahagi sa Sitio Bulacan, Barangay Bolhoon, San Miguel, Surigao del Sur.
Ayon kay Col. Glenn Joy Aynera, Acting Brigade Commander ng 401st Infantry “Unite N’ Fight” Brigade na sa nakaraang araw mga bandang alas 12:00 ng tanghali nang unang naganap ang sagupaan laban sa Regional Operations Command ng North Eastern Mindanao Committee, na pinangu-ngunahan ni Edilberto Reponte Daval, o alyas “Ka Bong” o “Wako.
Tumakas ang rebelding grupo at naiwan ang kanilang isang kasamahan na wala nang buhay na nakilalang si alyas Ka Keroy habang narekober ang 5 matataas na baril.
Ginawa naman ang hot pursuit operation at kahapon ng umaga lang nang muling nakasagupa sa tropa ng 75th Infantry “Marauder” Battalion at 3rd Special Forces Battalion ang nasabing grupo na nagresulta sa pagkamatay sa dalawang rebelde.
Sa ngayon ay patuloy pa ang pagtugis sa mga tumakas ng rebelde habang pinapanawagan na bumalik na sa gobyerno.
















