-- Advertisements --

Ipinaalam ni Lt. Col. Ericson Bulosan, Commanding Officer ng 95th Infantry (Salaknib) Battalion, dumarami na ang bilang ng mga rebeldeng sumusuko sa pamahalaan sa Rehiyon 2.

Sinabi niya na ang mga sumusuko ay kabilang sa mga armadong grupo na naiwan sa iba’t ibang barangay sa Isabela.

Paliwanag niya na nang sila ay sumuko, isinuko rin nila ang kanilang mga armas.

Sabi niya na kabilang sa mga isinukong baril ang isang grant, M16 rifle, carbine, improvised explosive device, at mga bala.

Aniya, nakatatanggap sila ng matinding suporta mula sa mga kilalang personalidad o grupo, kabilang ang mga miyembro ng New People’s Army.

Idinagdag niya na ang buong Rehiyon 2 o Cagayan Valley ay idineklara nang insurgency free.

Samantala, nabatid na ang mga pangunahing dahilan ng ganap na pagbabalik-loob ng mga rebelde sa pamahalaan ay ang hindi pagtupad sa mga pangakong binitiwan sa kanila at ang pagnanais nilang mamuhay nang payapa kasama ang kanilang mga pamilya.