Notre Dame

LAOAG CITY – Malaki umano ang magiging epekto sa turismo ng Paris, France ang pagkasunog sa Notre Dame Cathedral.

Ito ang inihayag ni Jhae-ar Balico, taga-Sarrat, Ilocos Norte pero kasalukuyang naninirahan sa France.

Paliwanag ni Balico, sa loob ng siyam na taon niya sa France ay napatunayan na niya ang pagiging sikat ng nasabing simbahan.

Aniya, lahat ng turista na pumupunta sa France ay ang nasabing simbahan ang una nilang binibisita, maliban pa sa Eiffel Tower.

Subalit naniniwala si Balico na gagawin lahat ng mga taga-France para maayos agad ang nasabing simbahan para hindi madismaya ang mga turista.