-- Advertisements --
NorthPort
PBA photo

Pinahiya ng NorthPort ang Barangay Ginebra 98-96 sa nagpapatuloy na PBA Governors’ Cup.

Pinangunahan ni Michael Qualls ang panalo ng NorthPort na nagtala ng 30 points at 13 rebounds.

Nag-ambag naman ng 18 points si Sean Anthony habang mayroong 17 points 11 rebounds si Christian Standhardinger.

Dahil sa pagkatalo ay mayroon ng 7-4 win-loss record ang Ginebra na nanganganib na malaglag mula sa pangatlong puwesto.

Sinabi ni NorthPort coach Pido Jarencio na mahalaga ang panalo dahil nasa quarterfinals pa rin sila at handa na nilang harapin ang twice-to-beat na koponan.