-- Advertisements --

Pinatikim ng Meralco Bolts sa NorthPort Batang Pier ang ikatlong sunod na pagkatalo 97-87 sa nagpapatuloy na 2022 PBA Philppine Cup.

Mula sa simula ng laro ay tinambakan na ng Bolts ang NorthPort kung saan umabot pa sa 27 points sa simula lamang ng last quarter.

Nanguna sa panalo ng Bolts si Aaron Black na nagtala ng 20 points, pitong assists at limang rebounds.

Nag-ambag naman ng tig-16 points sina Allein Maliksi at Chris Banchero habang mayroong 11 points si Reynel Hugnatan sa laro na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo.

Ito na ang pangatlong panalo sa apat na laro ng Bolts habang ang NorthPort ay mayroong dalawang panalo at tatlong talo na mula sa pagsisimula ng PBA Philippine Cup.