-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang katubigan Northern Samar ngayong araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology.
Naganap ang pagyanig ganap na alas 12:41 ng hapon ngayong araw.
Ang sentro ng pagyanig ay natukoy sa layong 91 km sa bayan ng Mapanas.
Ito ay tinatayang may lalim na aabot sa 10 km at sinasabing tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman naman ang Intensity II ng mga residente ng bayan ng Palapag.
Kaugnay nito ay wala namang naiulat na pinsala ang pagyanig ngunit asahan pa rin ang mga aftershock ayon sa Phivolcs.