-- Advertisements --

Nagpakawala ng ballistic missiles ang North Korea na dumaan sa isla ng Japan.

Dumaan ang missile sa northern Japan bago ito tuluyang bumagsak sa Pacific Ocean.

Huling nagpakawala ang North Korea na dumaan sa Japan ay noong 2017.

Ito na ang pang-23 missile launch ng North Korea ngayong taon at karamihan dito ay ballistic missiles.

Aabot sa 4,600 kilomters ang distansya nito na may taas na 1,000 kilometers at bilis na Mach 17 na ang ibig sabihn ay 17 beses na mas mabilis kaysa sa anumang tunog.

Malaki ang paniniwala ng mga eksperto na isang uri ng Hwasong 12- intermediate-range ballistic missile ang pinakawalan ng North Korea.

Itinuturing na ang pinakahuling missile launch ng North Korea na kakaiba dahil sa kadalasan ay dumidiretso ito sa katubigan at bihira ang dumaan sa ibabaw ng bansa.