-- Advertisements --
Nagpakawala ang North Korea ng dalawang short-range ballistic missiles.
Isinagawa ito matapos ang ilang araw ng magsagawa sila ng huling test at ang ilang araw bago ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa South Korea.
Ang nasabing paglulunsad ay bahagi ng record-breaking blitz ng armas ng North Korea.
Ayon sa South Korea military na ang dalawang short-range ballistic missiles ay inilunsad sa Sunan area sa Pyongyang.
May taas ito ng 30 kilometers at bilis na Mach 6.
Tiniyak din nila na nakahanda ang South Korea kung saan mahigpit nilang binabantayan ang nasabing missile launch ng North Korea.