-- Advertisements --

Muling nagpakawala ng dalawang short-range ballistic missiles ang North Korea sa silangang karagatang bahagi ng Korean Peninsula.

Ayon sa Joint Chiefs of Staff ng South Korea, na ang hakbang na ito ng North Korea ay magpapalala ng tension sa Korean peninsula.

Galing umano sa Samsok area sa Pyongyang capital ng North Korea ang nasabing missile launch.

Ito na rin ang pang-anim na ballistic missile launch event ng North Korea sa loob ng dalawang linggo.

Nauna rito ay nagpalipad ang North Korea ng ballistic missiles sa ibabaw ng Japan kung saan sinagot ng US at South Korea ito sa kasagsagan ng kanilang military exercises.