Pinulong ni House Speaker Martin Romualdez ang nasa mahigit 100 kongresista ngayon araw kung saan nanawagan ito ng isang united front para suportahan ang 11 senatorial candidates ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Ang nasabing pulong ay isinagawa sa Imelda Hall, Aguado Residence sa Malacañang.
Sa nasabing pulong binigyang-diin ni Speaker ang kahalagahan ng isang united action para makamit ng Alyansa senatorial candidates ang pagka panalo.
Ipinunto ni Speaker na sa nalalapit na midterm election unity o pagkakaisa ng istratehiya.
Kabilang sa mga dumalo sa pulong ay sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales of Pampanga, Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez of Quezon, Deputy Majority Leader Janette Garin of Iloilo, Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano, Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, at Agusan del Norte Rep. Joboy Aquino na nagsalita at nagpahayag ng suporta sa panawagan ni Speaker Romualdez na suportahan ang Alyansa candidates.
Ang mga dumalo sa pulong na mga kongresista ay mga miyembro mula sa Lakas-CMD, Nacionalista Party (NP), Nationalist People’s Coalition (NPC), National Unity Party (NUP), at Party-list Coalition Foundation Inc. (PCFI). Sa nasabing pulong binigyang diin ni Romualdez na kung nais na masustine ang economic growth, palakasin mga infrastructure, improve education at ibaba ang presyo ng mga pagkain kailangan ang isang senado na makakatrabaho ng Pangulong Marcos.
Tungkol dinito sa kinabukasan ng bawat pamilyang Pilipino.
Giit ni Speaker na ang boto ngayong halalan ay hindi lang boto para sa kandidato kundi ito ay boto para sa tuloy-tuloy na serbisyo, para sa kapayapaan adapat t para sa mas maunlad na bukas.
Tinukoy ni Speaker ang mahalagang papel ng mga kongresista sa ground dahil sila ang nakaka-alam at sila ay pinapakinggan ng kanilang mga constituents.
Ipinunto ng lider ng Kamara na hindi ito ang panahon para umupo ng komportable ito ay panahon na para ikampanya ang kandidato ng administraston.
Dagdag pa ni Speaker hindi dapat magpapa-apekto sa mga ingay ngayon sa pulitika, aniya manatiling pokus para makamit ang tagumpay sa halalan.