-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni North Korean leader Kim Jong Un ang kanilang unang submarine na may kakayahan na maglunsad ng nuclear weapons.
Tinawag nila ito bilang Hero Kun Ok na isinunod sa isang North Korean naval officer.
Personal na sinaksihan ng North Korean leader ang pagpapasinayan ng nasabing makabagong uri ng submarine.
Sinabi pa nito na isa ito sa pangunahing underwater offense na gagamitin ng kanilang navy.
Nabahala naman ang Japan ukol sa nasabing pagpapakita ng bagong submarine ng North Korea at sinabing ito ay magiging banta sa mga teritoryo na kanilang pinag-aagawan.
Ang pagpapasinayan ng bagong submarine ng North Korea ay kasabay ng 75 founding anniversary ng nasabing bansa at ang ulat na pagtungo ni Kim Jong Un sa Russia.