Gumamit ng traditional medicine ang North Korea para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Inirerekomenda ng kanilang mga otoridad ang pag-inom ng luya o ibang uri ng mga herbal tea.
Bukod pa dito ay pinayuhan din nila ang mga mamayan ng pagmumog ng asin na tinunaw sa maligamgam na tubig.
Habang ang mga pasyente na mayroong matinding sintomas ay pinayuhan ng mga otoridad doon na uminom na ng painkillers gaya ng ibuprofen at ibang uri ang antibiotics.
Itinuturing ng World Health Organization (WHO) na kaya tumaas ang kaso ng COVID-19 sa North Korea ay dahil sa mahinang health system nila.
Magugunitang hindi tinanggap ng North Korea ang tatlong milyong doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na ibinigay ng COVAX facilit.
Nag-alok din ang South Korea na mamahagi ng bakuna sa North Korea.