Ibinunyag ng health official ng North Korea na dumaranas sila ngayon ng outbreak ng hindi malamang uri ng intestinal sickness.
Pinaniniwalaang ito ay may koneksyon sa COVID-19 na nananalasa noog nakaraang buwang.
Dahil dito ay ipinag-utos ni North Korea lider Kim Jong Un ang pag-quarantine.
Nagpadala na rin sila ng mga gamot sa Haeju City para tulungan ang mga pasyente na dumaranas ng “acute enteric epidemic”.
Malaki rin ang posibilidad na ito ay may koneksyon sa typhoid o cholera.
Ang South Hwanghae province kung saan matatagpuan ang Haeju ay pangunahing agricultural region ng North Korea na nagkaroon ng food shortage noong nakaraang mga buwan.
Magugunitang noong Mayo ay idineklara ng North Korea ang state of emergency dahil sa ilang milyong katao sa kanila ang nakaranas ng sintomas ng COVID-19.