Naniniwala ang South Korea at Japan na ang rocket na inilunsad ng North Korea ay may laman na spy satellite.
Una kasing inabisuhan ng North Korea ang Japan na maglalagay sila ng satellite nitong Miyerkules at sa Disyembre 1 matapos ang dalawang bigong pagtatangka noong nakaraang mga buwan.
Nagpalabas na rin ng babala ang gobyenro ng Japan sa kanilang residente sa parteng timog na mag-ingat sa posibleng debris ng rocket ng North Korea na babagsak.
Kinumpirma rin ng Coast Guard ng Japan na magaganap ang paglunsad ng rocket paharap sa Yellow Sea at sa East China Sea.
Una ng iginit ng North Korea na mayroon din silang karapatan na palakasin ang kanilang military power laban sa US-led space surveillance system at ipinagtanggol ang military satellite development.
Kinondina naman ni Japanese Prime MInister Fumio Kishida ang nasabing plano at inihanda na nila ang kanilang defense system na kinabibilangan ng Aegis destroyers at PAC-3 air defense missile.