-- Advertisements --

benham1

Nagsagawa ng maritime sovereignty patrol sa Philippine Rise ang Naval Forces Northern Luzon bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika 124 na Araw ng kalayaan.

Kaninang umaga nagsagawa din ng flag raising ceremony ang corvette ng Philippine Navy ang BRP Conrado Yap.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay NOLCOM Spokesperson Lt.Col. Elmar Salvador, kaniyang sinabi na ang BRP Conrado Yap (PS39) kasama ang isang inter-agency fleet ay nagpatrolya sa Philippine Rise upang itaguyod ang exclusibong pag-aari ng Pilipinas sa naturang bahagi ng Pacific Ocean.

Kasabay nito, isinagawa din ang ika-anim na komemorasyon ng pagpapalit ng Pangalan ng Philippine Rise mula sa dating Benham Rise noong Mayo 16, 2017.

benham1 1

Sinabi ni Lt Col. Salvador, palalawigin ng NOLCOM ang pagpapatrolya sa Philippine Rise para pangalagaan ang kaligtasan at kabuhayan ng mga mangingisda sa Infanta at Real sa Quezon; Baler, Aurora; Catanduanes; at iba pang kalapit lalawigan.

Samantala, hindi naman tumitigil ang Nolcom sa kanilang maritime at aerial patrol sa bahagi ng West Phil Sea.

Sinabi ni Salvador na kanilang tinitiyak na mapayapa ang sitwasyon lalo na sa may bahagi ng bajo de masinloc o mas kilala na scarborough shoal na sakop pa ng Exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ang Bajo de Masinloc ay kilalang traditional fishing ground.