Tuluyan ng tinanggal ng NLEX Road Warriors ang tsansa ng Phoenix na makapasok sa quarterfinals ng PBA 49th Season Philippine Cup.
Ito ay matapos na talunin ng NLEX ang Phoenix 105-95 at makuha ng Road Warriors ang solo na ikalawang puwesto at pinalakas ang twice to beast advantae sa quarterfinals.
Nanguna sa panalo ng NLEX si Javee Mocon na nagtala ng 23 points at siyam na rebounds, habang mayroong 20 points, walong rebounds at pitong assists si Robert Bolick.
Mayroong pitong panalo at dalawang talo ang NLEX habang ang Phoenix ay mayroon lamang na dalawang panalo at pitong talo.
Ikinatuwa ni NLEX coach Jong Uichico dahil nag-stepped up ang kaniyang mga manlalaro at wala man lamang naitalang mga injured.
Nasayang ang nagawang 28 points ni Jason Perkins para sa Phoenix.