cropped Nigeria 1
-- Advertisements --

Palaisipan pa rin sa Nigerian air force kung paano nawala sa ere ang military plane.

Ayon kay Air Commodore Edward Gabkwet ang tagapagsalita ng Nigerian air force, bigla na lamang nawala sa kanilang radar ang fighter jet na magbibigay sana ng air support sa mga sundalo na lumalaban sa Boko Haram fighters.

Hindi pa malinaw kung bumagsak ba ang nasabing eroplano.

Umaasa ito na buhay pa ang kanilang piloto.

Pinagtatakhan din nila ay bakit hindi naman nawala ang dalawa pang fighter jet na nandoon sa estado ng Borno.

-- Advertisement --

Nangyari ang insidente ilang buwan matapos ang pagbagsak ng Nigerian air force sa Abuja.