-- Advertisements --
Sinimulan nang maibalik ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang power supply sa ilang bahagi ng Mindanao na naapektuhan ng typhoon Odette.
Ayon sa NGCP, kabilang sa naibalik na ang operasyon ng Aurora-Kapatagan 69 kilovolts (KV) line sa Lanao del Norte.
Ganun din ang Nagamin-Ipil at Ipil-Salug/Sirawai 69kV lines sa Zamboanga Sibugay.
Nangako rin ang NGCP na agad nilang isusunod ang mga linya sa Visayas, kapag bumuti na ang panahon.
Nag-deploy na rin sila ng mga tauhan para i-assess ang lawak ng problema sa Central at West Visayas na may malaking naiwang pinsala dahil sa hagupit ng typhoon Odette.