-- Advertisements --
Hindi pa ikinokonsidera ng National Food Authority (NFA) ang muling paglalagay ng price ceiling sa mga bigas.
Kasunod ito sa ulat na pagtaas ng presyo ng palay sa bansa.
Ayon kay National Food Authority Administrator Roderico Bioco na base sa kanilang monitoring ay naglalaro mula P24 hanggang P26.
Taliwas ito sa naging pahayag ng ilang agricultural group na aabot sa P30 ang kada kilo ng palay.
Una ng iminungkahi ng grupong SINAG ang pagbabalik ng price cap sa mga bigas dahil sa pagtaas ng presyo ng ilang mga mapagsamantalang negosyante sa bansa.