Nagpasya ng panibagong pagding ang Court of Appeals sa New York matapos baligtarin nila ang sex crime conviction laban kay Harvey Weinstein.
Sa botong 4-3 ay nagwagi ang hiling ng bagong pagdinig.
Sinabi ni Judge Jenny Rivera na tila nagkaroon ng pagkakamali ang korte ng kanilang idiin si Weinstein na wala itong anumang criminal history.
Ayon naman kay Emily Tuttle , ang deputy director ng communications at senior advisor ng Manhattan District Attorney’s Office na gagawin nila ang makakaya para muling isagawa ang pagdinig ng kaso.
Ang 72-anyos na Hollywood producer ay nasa kustodiya ng Mohawk Correctional Facility sa Rome, New York.
Nahatulan ito ng 16 na taon na pagkakakulong dahil sa kasong rape at sexual assault.
Taong 2020 ng ma-convict si Weinstein dahil sa first degree criminal sexual act at third-degree rape kung saan nahatulan ito ng 23-taon na pagkakakulong dahil sa reklamo ng mga biktimang sina Miriam Haley at Jessica Mann.
Sa salaysay ni Haley na pinilit siyang makipag-oral sex noong 2006 sa Manhattan apartment ni Weinstein.
Habang si Mann ay ginahasa umano ni Weinstein noong 2006 na tinawag niyang abusive relationship.