NAGA CITY- Muling nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Sur.

Sa inilabas na impormasyon ng Department of Healh (DOH)- Bicol, kinilala ito na si PH Bicol #85.

Ayon pa dito, napag-alaman din na isang 31-anyos na lalaki mula sa Lupi, sa nasabing lalawigan ang bagong biktima ng naturang sakit.

Nabatid din na kahapon ng dumating ang pasyente sa Bicol mula sa Cebu kung saan agad naman itong komunsulta sa Camarines Sur Provincial Center habang isinailalaim naman ito sa swab testing sa Bicol Medical Center sa Naga City.

Sa ngayon, kasalukuyan ng naka-quarantine ang naturang pasyente.

Samantala, nasa 85 na ang kabuuang bilang ng COVID-19 case sa buong rehiyon ng Bicol.