Nagpakawala ng double-double na 37 points at 11 rebounds si James Harden upang pangunahan ang Brooklyn Nets sa 112-108 paglampaso sa Los Angeles Clippers.

Naglunsad ng fourth-quarter rally ang Rockets upang biguin ang Clippers at itala ang kanilang ikaanim na sunod na panalo.

-- Advertisement --

Tinapos din ng Brooklyn Nets ang 5-0 trip kung saan kanilang nagapi ang Golden State, Sacramento, Phoenix, at ang kapwa teams sa Los Angeles upang kumpletuhin ang kanilang pinakamahabang undefeated single trip sa kasaysayan ng franchise.

Umalalay kay Harden si Kyrie Irving na tumabo ng 28 big points para sa Nets.

Sumandal naman ang Clippers kina Paul George at Kawhi Leonard na gumawa ng kombinasyon na 63 points.