-- Advertisements --

Hindi muna paglalaruin ng Brooklyn Nets si Kevin Durant kapag muling nabuksan na ang NBA season.

Durant
Kevin Durant

Ayon sa koponan, nais nilang gumaling ng lubusan ang NBA star hanggang sa susunod na taon.

Kasalukuyan kasing nagpapagaling ang 31-anyos na NBA star sa torn Achilles injury.

Natamo nito ang nasabing injury noong nakaraang NBA finals habang ito ay nasa Golden State Warriors pa sa laban nila kontra Toronto Raptors.

Naniniwal din aniya si Nets general manager Sean Mark na tuluyan ng gumaling mula sa kaniyang injury ang NBA star sakaling magbukas na ang NBA season.

Magugunitang dahil sa coronavirus pandemic ay kinansela ang maraming laro sa NBA matapos na magpositibo sa nasabing virus ang ilang manlalaro.