-- Advertisements --
Itinuturing ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na aksidente lamang ang pagtama ng kanilang missile sa refugee camp sa Rafah na ikinasawi ng 45 na sibilyan.
Sinabi nito na ginawa ng Israel ang lahat ng mga makakaya para maprotektahan ang mga sibilyan na naiipit sa labanan sa Gaza.
Giit pa nito na mayroong mahigit isang milyong mga residente ang kanilang inilikas palabas ng Rafah City para hindi na sila madamay pa.
Pagtitiyak nito na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa nasabing insidente.
Magugunitang kinondina ng United Nations, European Union at maraming bansa ang nasabing strike ng Israel sa Rafah.