-- Advertisements --
Pinasalamatan ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu si US President Donald Trump matapos na ito ay namagitan sa kanila ng Iran.
Tinawag nitong makasaysayan ang ginawa ni Trump dahil sa paglahok hindi lamang sa defensive at maging sa offensive operations nila.
Itinuturing niya na isang matalik na kaibigan ang US President dahil sa ginawa nito.
Ilang oras bago ang pagpapatupad ng ceasefire ay tinawag ni Netanyahu na isang pinakamalaking operasyon ang ginawa laban sa Iran sa loob ng 50 taon.
Dagdag pa nito na nakamit ng Israel ang kabuuang panalo sa loob ng 12 araw na labanan .
Magugunitang sinabi ni Trump na nagkasundo ang Iran at Israel na tapusin na ang labanan na nagsimula ng 13 araw.