-- Advertisements --

Nanindigan si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na itutuloy pa rin nila ang gagawing ground invasion sa Gaza.

Sinabi nito na ang nasabing desisyon ay aprubado ng binuo niyang war cabinets.

HIndi na ito nagbigay pa ng ibang detalye kung kailan ito isasagawa.

Pagtitiyak din nito na ginagawa nila ang lahat ng makakaya para mailigtas ang mga bihag ng mga Hamas militants.

Magugunitang maraming mga bansa ang humikayat kay Netanyahu na kung maari ay huwag ng ituloy ang invasion dahil sa pangamba na maraming mga sibilyan ang madadamay.

Sa pinakahuling bilang ng nasawi ay nasa mahigit 6,500 na at sa loob ng lamang ng 24 na oras ay mayroong 756 na Palestinians ang namatay na kinabibilangan ng 344 na bata.

Patuloy din ang pagdating ng mga humanitarian aide na dumadaan sa Egypt.