-- Advertisements --
Ibinunyag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na napatay ng kaniyang mga sundalo si Mohammed Sinwar ang lider ng Hamas sa Gaza.
Ayon kay Netanyahu na si Sinwar ay siyang pangunahing target sa kanilang military operation noong Mayo 13 sa Khan Younis.
Sa nasabing operasyon ay kanilang sinira ang mga underground infrastructure ng Hamas.
Si Sinwar ay kapatid ni Yahya Sinwar ang mastermind ng Oktubre 7, 2023 attack kungsaan noong Oktubre ay napatay ng Israel.