-- Advertisements --

Tinanggihan ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ang panibagong panukalang ceasefire deal sa pagitan nila ng Hamas sa Gaza.

Sinabi nito na posible sa mga susunod na buwan ay makakamit na nila ang tagumpay sa Gaza.

Iginiit nito na walang patutunguhan ang mga negosasyon sa grupo at ang demands ng mga ito ay pawang mga kalokohan.

Ang nasabing pahayag ay kasunod ng panibagong peace deal na isinusulong ng Qatar at ilang mga bansa para mapalaya ang mga bihag ng Hamas.

Una rito ay nasa Israel si US Secretary of State Antony Blinken para isulong ang panibagong kasunduan ng tigil putukan at pagpapalaya sa mga bihag.

Hinikayat ni Blinken ang Israeli Prime Minister na kung maari ay bawasan ang ginagawa nilang military operations sa Gaza para mawala na ang anumang madamay sa nasabing atake.