-- Advertisements --

Hiniling ni National Economic and Development Authority (NEDA) acting secretary at Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua na isailalim sa modified general community quarantine ang bansa simula Marso 21.

Sa nasabing paraan aniya ay para makabangon ang ekonomiya ng bansa.

Aabot na kasi sa mahigit P1.04 trillion ang lugi ng ekonomiya mula ng ipatupad ang lockdown noong Marso 2020.

Maari aniya na ang mga local government units na lamang ang magpatupad ng localized lockdown para mapigil ang pagkalat ng virus.