-- Advertisements --

Patuloy na naaapektuhan ang kalidad ng hangin sa Metro Manila dahil sa mga “smoldering conditions” mula sa sunog sa Navotas landfill na nagsimula noong Abril 10, 2026.

Ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA), hindi pa bumalik sa normal na antas ang kalidad ng hangin, base sa kanilang satellite monitoring.

Ang mga satellite data ay nagpapakita ng mataas na antas ng nitrogen dioxide (NO2), isang pollutant na resulta ng pagkasunog, na mas mataas pa kaysa noong Abril 6, bago magsimula ang sunog.

Ang Valenzuela City, kabilang sa mga pinaka-apektadong lugar, ay nag-tala ng “very unhealthy” o 177 Air Quality Index (AQI).

Pinayuhan ang mga residente, lalo na ang may sakit sa puso o baga, na manatili sa loob ng bahay at iwasan ang matinding air pollution.

Naglatag din ng field hospital ang Department of Health (DOH) sa Obando, Bulacan upang mag-monitor ng kalusugan ng mga apektadong residente.

Ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ay nagpatuloy ng monitoring ng air quality habang ang mga awtoridad ay nagsasagawa ng mga hakbang upang matugunan ang kalusugan at kapaligiran na epekto ng sunog.