Patuloy na sumasailalim sa beripikasyon ng National Disaster Risk Reduction and Managment Council (NDRRMC) ang naitalang limang katao na nasawi sa Quezon Province bunsod ng patuloy na hagupit ng bagyong Ramil.
Batay sa mga paunang report, mahimbing umanong natutulog ang mag-anak nang mabagsakan ng malaking puno matapos itong matumba bunsod ng malalakas na pagulan sa Brgy. Cawayanin, Pitogo sa probinsya ng Quezon.
Agad itong ikinasawi ng limang biktima na kinabibilangan ng mag-asawa, dalawa nitong mga anak na may edad 11 anyos at 5 taoang gulang at maging ang biyenan nito.
Samantala, sa naging social media post naman ni Quezon Province Gov. Helen Tan, kinumpirma niya ang pangyayari at nagpahayag ng pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng mga biktima.
Tiniyak rin ng local na pamahalaan ng Quezon na agad silang magpapaabot ng tulong at supporta sa mga ganitong sitwasyon at pagdadalamhati.