-- Advertisements --

jalad

Kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive director USec Ricardo Jalad na nasa “red alert” ngayon ang ahensiya sa posibleng epekto ng Bagyong Bising lalo na sa Eastern Visayas, Bicol Region, at Northern Luzon.

Ayon kay Jalad, inatasan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units para maghanda na sa mga gagawing preventive evacuations sakaling lumala ang sitwasyon.

Sinabi ni Jalad, kanilang tinitignan ang posibleng worst-case scenario dahil sa malakas na pag-ulan at posibleng tumama ito sa kalupaan.

Naka standby na rin sa ngayon ang NDRRMC response units, kasama ang mga uniformed personnel para sa gagawing evacuations.

Naka-alerto din ang iba pang mga member-agencies ng council kabilang ang Office of Civil Defense, Department of Social Welfare and Development, Department of Health, at Department of Public Works and Highways (DPWH).

Samantala, iniulat naman ng Philippine Coast Guard (PCG) nasa 995 na mga pasaheron ang stranded ngayon sa ibat ibang pier sa Albay, Sorsogon, Masbate, Camarines Sur, Catanduanes at Camarines Norte.

Stranded din dahil sa Bagyong Bising ang 11 Bus, 192 Trucks, 20 barko, 319 rolling cargoes.