-- Advertisements --

Nagpatawag ng emergency meeting ngayong araw, Mayo 23 ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang pag-usapan ang epekto ng pagpapatupad ng restriction sa San Juanico Brdige sa pagpasok ng supplies sa probinsya ng Samar.

Pinangunahan ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator at NDRRMC Executive Director Usec. Ariel F. Nepomuceno ang naturang pagpupulong.

Dito ay natalakay ang ilang measure o kaparaanan kung paano mapagaan ang epekto ng ipinatupad na restriction, lalo na sa kabuuang supply chain sa probinsya ng Samar at kung paano makatugon dito ang pamahalaan.

Pinagplanuhan ng mga kalahok na ahensiya kung paano magpapatuloy ang pagpasok ng supplies sa kabila ng route limitations, at kung paano mapanatili ang matatag na kalakalan sa probinsya ng Samar sa kabila ng mga hamon na dala ng ipinapatupad na restrictions.

Ilan sa mga dumalo sa emergency meeting ay sina Samar Gov. Sharee Ann T. Tan, OCD Director Maria Agnes Palacio, Director Lord Byron S. Torrecarion ng OCD Region VIII, aat mga kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine Coast Guard, Philippine Ports Authority, at mga lokal na pamahalaan.

Maalalang ipinagbawal ang pagdaan ng mga heavy truck sa naturang tulay na mas mabigat kaysa sa tatlong tonelada, kasabay ng gumugulong na rehabilitasyon.