Pumanaw na ang chairperson ng peace negotiating panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Fidel Agcaoili sa edad 75.
Ayon sa NDFP, pumanaw ito sa Utrecht, The Netherlands dahil sa pulmonary arterial rupture na nagdulot ng massive internal bleeding.
Paglilinaw din ng kaniyang doctor na walang kinalaman ang sakit nito sa COVID-19.
Nakatakdang dalhin naman sa Pilipinas ang labi nito base na rin sa kahilingan ng kaniyang mga kaanak.
Naging chief negotiator si Agcaoili ng NDFP na siyang nangangasiwa ng usaping pangkapayapaan sa gobyerno ng Pilipinas.
Magugunitang hiniling noon ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng usaping pangkapayapaan para matapos na ang limang dekadang pamamalagi ng insurhensiya sa bansa.
Hindi natuloy ang negosasyon noong Nobyembre 2017 ng kanselahin ito ng pangulo dahil nais nitong pag-aralan ang ilang mga hiling ng mga Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA).