Nagpatupad ng “four-pronged preemptive strike” ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO), kasunod sa kontrobersiya ng mga “ninja cops” na sangkot sa pag recycle sa iligal na droga.
Ayon kay NRPO Chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang nasabing hakbang ay bahagi ng kanilang relentless internal cleansing para tuldukan na ang pamamayagpag ng mga rogue cops lalo na yung mga sangkot sa pagrerecycle ng mga nasabat na iligal ba droga.
Sinabi ni Eleazar ang apat preemptive strikes na kanilang ipapatupad, una inatasan nito ang legal service ng NCRPO na makipag ugnayan sa NAPOLCOM at kumuha ng listahan ng mga nasibak sa serbisyo na mga pulis at ang mga nag AWOL na nag-apply ng reinstatement.
Pangalawa, inatasan ni Eleazar ang NCRPO Regional Investigation and Detective Management (DIDM) para i update ang listahan ng lahat mga pulis na may drug-related cases.
Pangatlo, mahigpit na ipatupad ang one-strike policy, dahil dito pinulong ni Eleazar ang lahat ng mga pinuno ng Drug Enforcement Unit na agad sila masisibak sa pwesto kapag pumalpak ang mga tauhan nito.
Pang-apat, ay ang pagbuo ng Quad intel force sa Metro Manila na binubuo ng ibat ibang law enforcement agencies na target ang mahigpit na koordinasyon para tugisin ang mga illegal drug syndicate na nag ooperate sa rehiyon.
Kasama din dito ang pagtugis sa mga pasaway na pulis o mga rogue cops.
Ang quad-intel force ay binubuo ng PDEA,NBI, AFP JTF NCR at NCRPO.
“Whatever we would miss here at NCRPO in terms of intelligence on policemen involved in illegal drugs will be compensated with the intelligence of the three other law enforcement agencies,” pahayag ni MGen. Eleazar.