Nakahanda umano si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief M/Gen. Debold Sinas sa anumang reklamo at imbestigasyon ukol sa kaniyang pagdiriwang ng kaarawan noong Mayo 8, 2020.
Ayon kay Sinas sa panayam ng Bombo Radyo, wala silang nilabag na quarantine protocols sa nasabing okasyon.
Nagkaroon aniya ng physical distancing at nagsuot pa ng mask ang mga dumalo sa kaniyang mañanita o maliit na salo-salo.
“Responsable naman po tayo at sinunod natin ang mga protocol,” wika ni Sinas.
Gayunman, kung may mga na-offend aniya sa kanilang simpleng kainan, humihingi na siya ng paumanhin.
“Hindi naman po ‘yun party na kagaya ng sinasabi ng iba, ‘yun po ay tradisyunal na mañanita lamang. At kusa itong ginawa ng ating mga tauhan,” pahayag pa ng NCRPO chief.